P2-milyong marijuana nasamsam

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Tinatayang aabot sa P2 milyong halaga ng marijuana brick na tumitimbang ng 39.4 kilo ang nasamsam ng pulisya sa tatlong kalalakihan sa inilatag na checkpoint sa Barangay Poblacion sa bayan ng Bontoc, Mountain Province noong Lunes. Ayon kay P/Senior Supt. Fortunato Albas, police provincial director, nakumpiska ang 40 marijuana brick na nagkakahalaga ng P2.167 milyon mula sa dalawang sako lulan ng van (EXE765). Pormal naman kakasuhan ang mga naarestong suspek na sina Henry Dawec, driver ng van at residente ng Mountain province; Resty Gongrang Janisi at Wilfredo Lad-aw, kapwa nakatira sa Saclit, Sadanga. Itinanggi naman ni Dawec na kakilala niya sina Janisi at Lad-aw na sakay ng kanyang van. Nabatid na dadalhin sana ang kontrabando sa Santiago City, Isabela bago ibiyahe sa Maynila.

Show comments