Testigo sa Maguindanao massacre todas sa encounter
MANILA, Philippines - Napaslang ang isang supporter ni Vice Mayor Rasul Sangki na pinaniniwalaang key witness sa Maguindanao massacre habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang makasagupa ng kampo ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) rouge element sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Army’s 6th Infantry Division spokesman Lt. Col. Benjie Hao ang napatay na si Dali Iskak habang isa sa dalawang sugatan ay kinilalang si Saddam Amelik.
Sa inisyal na ulat, nabatid na nagtungo ang mga supporter ni Sangki sa pa mumuno ni Brgy. Chairman Esmael “Kos” Kla sa Brgy. Matagabong nang makasagupa ang mga MILF rogue elements sa pamumuno nina Imam at Hamsa Kindo alyas Tuhabak.
Lumilitaw na inatake ng grupo ni Sangki ang Brgy. Matabong matapos mabatid na pinayagan ni ex-Brgy. Chairman Taib Kumayog si Esmael Tuhabak na bumisita sa kanilang lugar.
Upang mapigilan ang nakaambang pagdanak ng dugo ay nagresponde ang mga sundalo ng 46th Infantry Battalion at binigyang proteksyon ang may 25-sibilyan na nagtatago sa bodega sa Sitio Bukako, Brgy. Matagabong.
- Latest
- Trending