^

Probinsiya

Ex-mayor, anak tiklo sa killing ni Crisologo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang ta­ong pagtatago sa batas, bumagsak sa mga awto­ridad ang isang dating alkalde at anak nito na mga pangunahing suspect sa pagpatay sa misis ng kalaban nitong ni Tineg, Abra Mayor Edwin Criso­logo sa kasagsagan ng election period noong 2007, sa operasyon ng pulisya kamakalawa.

Ang mga nasakoteng suspect ay nakilalang sina dating Tineg Mayor Pedro Benwaren, 69 anyos at anak nitong si Tony Ben­waren, 40-taong gulang; dating mahigpit na kalaban ni Mayor Crisologo sa mayoralt­y race.

Sa ulat ng Abra Provincial Police Office (PPO), ang mag-ama ay nasakote sa kanilang pinagtataguan sa Brgy. Sto. Cristo, Capas, Tarlac dakong alas-3 ng ma­daling-araw noong Biyernes.

Bago ito ay nagsagawa ng surveillance operations ang pinagsanib na ele­mento ng Task Force Abra, Capas Police Station at Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region sa tulong ng Military Intelligence Groups (MIG) laban sa mga suspect.

Inaresto ang mag-ama sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder ni Brenda Crisologo, misis ni Mayor Crisologo.

Magugunita na si Gng. Crisologo ay pinagbabaril at napatay habang nagba­bantay sa bilangan ng boto sa Holy Spirit Academy sa Bangued, Abra noong Mayo 17, 2007. Ang ginang ay binawian ng buhay ha­bang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

ABRA MAYOR EDWIN CRISO

ABRA PROVINCIAL POLICE OFFICE

BRENDA CRISOLOGO

CAPAS POLICE STATION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-NATIONAL CAPITAL REGION

HOLY SPIRIT ACADEMY

MAYOR CRISOLOGO

MILITARY INTELLIGENCE GROUPS

SHY

TASK FORCE ABRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with