Murder suspek, sumuko kay Governor Alvarado
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Kusang sumuko ang isang murder suspek kay Bulacan Governor Wilhermino Sy-Alvarado makaraang malaman nito na nagpalabas na ng warrant of arrest laban sa kanya ang korte. Sumuko kay Gov. Alvarado ang suspek na si John Michael Mariano 30, may-asawa at residente ng Barangay Paitan, Baliwag. Pangunahing suspek siya sa pagpatay kay Fernando Cruz 46, negosyante at residente ng Brgy. Sto. Niño sa naturang ding bayan. Napatay ng suspek ang biktima dahil sa selos nang malaman nitong palaging bumibisita sa kanyang misis ang biktima.
- Latest
- Trending