BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang itinuturong suspek sa pagpatay at pangmolestiya sa isang batang babae kamakailan sa Isabela. Ayon kay Senior Inspector Billy Mangali, hepe ng Cabatuan police office, ang suspek ay nakilalang si Catalino Torres alyas Albert, na may iba pang pending child abuse case. “The suspect is now detained at the Bureau of Jail Management and Penology holding center in Cauayan City-Isabela,” pahayag ni Mangali. Matatandaan na unang dumulog sa himpilan ng pulisya ang mga magulang ng 5 taong gulang na batang biktima noong July 17 matapos mapansin na nawawala ang kanilang anak na si Nene. Kinabukasan nang matagpuan ang bangkay ng biktima na ginilitan pa ng alambre sa leeg, 100 metro lamang ang layo mula sa kanilang tahanan sa Barangay Saranay Cabatuan, Isabela. Lumalabas sa pagsusuri na minolestiya bago pinasukan ng ilang mga bagay ang ari.