^

Probinsiya

Killer ng 5-gulang na bata, tiklo

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang itinuturong suspek sa pagpatay at pang­molestiya sa isang batang babae kamakailan sa Isabela. Ayon kay Senior Inspector Billy Mangali, hepe ng Cabatuan police office, ang suspek ay nakilalang si Catalino Torres alyas Albert, na may iba pang pending child abuse case. “The suspect is now detained at the Bureau of Jail Manage­ment and Penology holding center in Cauayan City-Isa­bela,” pahayag ni Mangali. Matatandaan na unang dumulog sa himpilan ng pulisya ang mga magulang ng 5 taong gulang na batang biktima noong July 17 matapos mapansin na nawawala ang kanilang anak na si Nene. Kinabukasan nang matagpuan ang bangkay ng biktima na ginilitan pa ng alambre sa leeg, 100 metro lamang ang layo mula sa ka­nilang tahanan sa Barangay Saranay Cabatuan, Isabela. Lumalabas sa pagsusuri na minolestiya bago pinasukan ng ilang mga bagay ang ari. 

vuukle comment

AYON

BARANGAY SARANAY CABATUAN

BUMAGSAK

BUREAU OF JAIL MANAGE

CABATUAN

CATALINO TORRES

CAUAYAN CITY-ISA

ISABELA

NUEVA VIZCAYA

SENIOR INSPECTOR BILLY MANGALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with