^

Probinsiya

Tapat na pulis, pinarangalan

- Ni Boy Cruz -

KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City, Philippines — Dahil sa ipinamalas na magandang halimbawa sa hanay ng kapulisan ay pinarangalan ang isang matapat na pulis na nagsauli ng isang wallet na pag-aari ng Malacañang emloyee. Binigyan ng plake ng pagkilala ni Sr. Supt. Fernando Villanueva, Bulacan PNP director, si PO1 Fulgencio Moren ng Meycauayan City police station. Ang may-ari ng napulot nitong wallet ay si Re­veva Montecalvo, presidential staff officer 3 ng Malacañang at nakatira sa barangay Loma de Gato, Marilao. Noong Hulyo 10 ay nagreklamo si Montecalvo sa Meycauayan police dahil sa pagkakasangkot ng kotse nito sa isang aksidente na inimbestigahan naman ni Moren. Naiwan ni Montecalvo ang kanyang wallet na naglalaman ng P34,000 cash kaya agad nitong ipinaalam sa kanyang hepe saka niya inihatid ang wallet sa nasabing Malacañang employee na abut-abot ang pasasalamat sa tapat na pulis. Dahil dito, inirekomendang bigyan si Moren ng pagkilala upang maging huwaran ng kanyang kapwa pulis.

vuukle comment

DAHIL

FERNANDO VILLANUEVA

FULGENCIO MOREN

MALACA

MALOLOS CITY

MEYCAUAYAN CITY

MONTECALVO

MOREN

NOONG HULYO

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with