^

Probinsiya

15 dolphins, iniligtas sa Cagayan

- Ni Victor Martin -

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Umaabot na sa 15 mga dolphins kabilang na ang tat­long sugatan ang nailigtas ng mga mangingisda mata­pos ma­padpad sa dalam­pasigan sa nasasakupan ng Santa Ana, Cagayan.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang mga dolphins ay matagum­pay na iniligtas ng mga mangingis­da sa Barangay Palawig, Santa Ana kung saan ka­bilang ang tatlong sugatan na pina­kawalan din matapos mabig­yan ng kaukulang lunas.

Pananiniwalaan na ang mga napadpad na dolphins ay kabilang sa 18 school of 18 dolphins na namataan sa karagatan malapit sa Santa Ana free port.

Lumalabas na ang mag­kasunod na dalawang naka­lipas na bagyo ang maari umanong dahilan kung bakit na­padpad ang mga dolphins sa dalampasigan ng Ca­gayan. Agad naman na humingi ang mga residente ng Palawig sa pangunguna ni Nelson Morales ng tulong kay Dr. Elma Bermudez ng BFAR na siyang gumamot sa mga isda, bago ito muling pinakawalan sa dagat.

“Dolphins are among the most intelligent animals (which) deserve our utmost care not only that they are protected species,” paha­ yag naman ni Dr. Jovita Ayson, BFAR regional director ng Cagayan Valley.

AYON

BARANGAY PALAWIG

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CAGAYAN VALLEY

DR. ELMA BERMUDEZ

DR. JOVITA AYSON

NELSON MORALES

SANTA ANA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with