^

Probinsiya

Bagong panganak na sanggol pinatay ng ama saka nagbaril

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinatay muna ng isang selosong mister ang isang bagong panganak na sanggol na pinagdududahan nitong anak ng kani­yang misis sa ibang lalaki bago ito nag-suicide sa bayan ng San Gabriel, La Union kamakalawa.

Kinilala ang nasawing suspect na si Ronald Bispe Comia, 35-anyos habang dead-on- the-spot naman ang sanggol na si Ronalyn, dalawang buwan pa lamang naipapanganak.

Sugatan namang isinugod sa pagamutan ang maybahay nitong si Judith Escalaba Comia na nagtamo ng sugat sa kaniyang braso matapos madaplisan ng tama ng bala ng cal. 38 na paltik na sumapol sa katawan ng sanggol na si Ronalyn.

Sinabi ni La Union Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Ramon Furuganan, naganap ang insidente sa Brgy Bumbuneg, San Gabriel, La Union bandang alas-5 ng hapon noong Huwebes.

Ayon sa imbestigasyon, umuwing lasing ang nasabing mister na muling inaway ang kaniyang misis dahil sa pinagdududahan nitong anak ng ibang lalaki ang ipinanganak nitong sanggol na umano’y hindi nito kamukha.

Nabatid na nagkahiwalay na ang mag-asawa at ng magbalikan ay buntis ang nasabing ginang kaya pinagdududahan ng nasabing lalaki ang kaniyang misis na nakipagrelasyon umano sa ibang lalaki na sinu­sumbatan pa nito tuwing malalasing.

 Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay nakalabit ng sus­­pek ang nasabing baril na tumama sa katawan ng sanggol na agad nitong ikinasawi.

Nang mabatid na napatay nito ang munting anghel ay nag-suicide naman ang naturang mister sa pamamagitan ng pagbaril sa sentido na siya nitong dagliang ikinamatay.

AYON

BISPE COMIA

BRGY BUMBUNEG

DIRECTOR SR. SUPT

JUDITH ESCALABA COMIA

LA UNION

LA UNION PROVINCIAL POLICE OFFICE

RAMON FURUGANAN

RONALYN

SAN GABRIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with