5 minasaker sa Pampanga

MANILA, Philippines - Lima-katao kabilang ang isang Kano ang iniulat na napaslang makaraang ratratin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa bahagi ng Baran­gay Malabanas sa Angeles City, Pampanga kahapon ng tanghali.

Sa phone interview, si­nabi ni P/Senior Supt. Danilo Bautista , director ng Angeles City PNP, nadis­kubre ang krimen matapos na harangin ng security guard na si Angelito Prado ng Hensonville Court Subdivision ang isang lalaki na may kahina-hinalang kilos habang papalabas sa gate ng nasabing subdivision na binabantayan nito dakong ala-1:30 ng hapon.

Nagduda ang guwar­di­ya na noon lamang niya na­kita kung saan marami itong bitbit kabilang ang sako na maraming naka­si­lid na gamit habang pa­pa­­labas sa gate ng subdivision gayong wala itong da­la nang pumasok sa gate.

Pansamantalang pinigil ni Prado ang nasabing lalaki sa gate habang ti­nungo naman ng sekyu ang pinanggalingan nitong bahay sa No.18 Manuela Street sa Hensonville Subdivision.

Gayon pa man, sina­man­tala ito ng suspek na mabilis na tumakas sakay ng traysikel na nagpahatid sa kanugnog barangay.

Dito na nadiskubre ang krimen kung saan kabilang sa mga nasawi ay dala­wang lalaki at tatlong ba­bae na sinasabing nireren­tahan ng dayuhang si Al­bert Mitsell ang apartment.

Nabatid na ang suspek ay nakasuot ng puting t-shirt at maroon na 6-pocket short, may taas na 5’6, tinatayang nasa edad 30-anyos pataas, katamtaman ang pangangatawan at maputi ang kutis.

Pinaniniwalaan namang pagnanakaw ang motibo ng krimen habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments