Isdang buhay nilunok: Mangingisda tigok

MANILA, Philippines - Naging mitsa ng buhay ng mangingisda ang pag­kakalunok nito ng isdang buhay na kaniyang nabing­wit makaraan itong mabu­lunan kamakalawa sa da­lampasigan sa bayan ng San Esteba, Ilocos Sur.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Edward Canas, 21- at residente ng Barangay Apatot, sa na­banggit na bayan.

Sa salaysay ng ina na si Pia Canas, maagang umalis ang kanyang anak upang mangisda subalit hindi ito nakabalik para sa pananghalian.

Lumilitaw na ilang kapit­bahay nila ang nagtungo sa kanilang bahay at si­nabing natagpuan si Edward na nahihirapang hu­minga sa tabing dagat.

Nang tunguhin ang ki­naroroonan ng anak, isang bata ang nagsabi na na­lunok ng biktima ang is­dang buhay na tinatawag na kurapo.

Ayon sa ulat na naka­ra­ting sa Camp Crame, po­sibleng kinagat ni Edward ang isdang buhay subalit dumulas ito nang pumalag at dumiretso sa kanyang lalamunan bun­sod upang mabulunan at tuluyang hindi maka­hinga. With trainees Mary Joy Mon­ dero/Rafael Za­panta

Show comments