LAMUT, Ifugao, Philippines — Pinangangambahang tumaas ang bilang ng kaso ng dengue sa Ifugao makaraang maitala na may 90-katao na tinamaan ng dengue sa nakalipas na tatlong linggo.
Sa pinakahuling ulat, umaabot na sa 96 dengue cases ang naitala noong Hunyo hanggang sa kasalukuyan kung saan tinukoy ang Ifugao na may pinakamaraming bilang na kaso ng dengue kumpara sa iba pang probinsiya ng Cordillera Administrative Region.
Umaabot na sa 300-katao ang naitalang tinamaan ng dengue sa Ifugao simula Enero kung saan dalawa ang nasawi.
Naunang kinumpirma ni Dr. Mary Jo Dulawan, provincial health officer ang pagtaas ng kaso ng dengue sa nasabing lalawigan, partikular sa mga bayan ng Kiangan, Lagawe at Hungduan.
“We have started clustering of communities to help in information dissemination and to make fogging easier, in case it is necessary. We call on residents to regularly conduct cleaning activities to prevent the dengue,” pahayag ni Dulawan.