RIZAL, Philippines – Napaslang ang tatlong sibilyan kabilang ang dating rebelde na ginawang asset ng militar makaraang ratratin ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa bahagi ng Sitio Tanag, Barangay San Isidro, sa bayan ng Rodriguez, Rizal kamakalawa ng tanghali.
Kinilala ni Rodriguez police chief P/Supt. Ruel Vacaro ang mga napatay na sina Galvan Navarte ng Sitio Bagong Sigla, ex-NPA rebs; Demelita Largo ng Sitio Kabuuan, asset ng militar; at si Benita San Jose ng Sitio Mabolo na pawang nasa Barangay Puray.
Naganap ang pananambang dakong alas-12:30 ng hapon habang lulan ng traysikel ang mga biktima mula sa palengke.
Narekober sa crime scene ang 13-basyo ng cal. 45 at dalawang bala na hindi pumutok. Pinaniniwalaang may kinalaman ang mga rebeldeng New People’s Army sa pananambang.