^

Probinsiya

Habambuhay sa killer ng pulis

- Ni Boy Cruz -

BULACAN — Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng mababang korte laban sa isang lalaki matapos mapatunayang nakapatay sa isang pulis may anim na taon na ang nakalipas sa bayan ng Guiguinto, Bulacan. Sa 19-pahinang desisyon ni Judge Herminia Pasamba ng Regional Trial Court Branch 81, bukod sa habambuhay na hatol sa akusadong si Michael Catacutan, pinagba­ba­yad din siya ng P1.5 milyon bilang civil indemnity, actual damages, moral at exemplary damages. Sa record ng korte, si Catacutan ang responsable sa pagpaslang kay SPO3 Arturo Bernante, 48, sa bahagi ng Violeta Village, Brgy. Sta. Cruz sa nabanggit na bayan noong Ok­tubre 28, 2004. Binigyang timbang ng korte ang testi­monya ng dalawang testigo sa krimen habang binalewala naman ang alibi ni Catacutan kung saan imbes na sumuko ay nagtago pa ng ilang buwan sa bayan ng Marilao, Bulacan kung saan naaresto naman ng pulisya.

ARTURO BERNANTE

BINIGYANG

BRGY

BULACAN

CATACUTAN

CRUZ

GUIGUINTO

JUDGE HERMINIA PASAMBA

MICHAEL CATACUTAN

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

VIOLETA VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with