Bayombong, Nueva Vizcaya, Philippines — Umaabot na sa 7-katao ang naitalang nasawi matapos madale ng rabies dahil sa kagat ng aso sa Isabela, ayon sa ipinalabas na ulat kamakalawa. Sa ulat ni Dr. Angelo Naui, Isabela veterinary officer, lumilitaw na halos 1-katao kada buwan ang namamatay simula noong Enero hanggang Hunyo 2010. “We have intensified our anti-rabies vaccination drive especially on areas where incidents of rabies were monitored to prevent its outbreak,” pahayag ni Naui. Sa talaan ng ahensiya, umaabot na sa 6,000 aso ang nabakunahan ng anti-rabies sa nakalipas na anim na buwan.