^

Probinsiya

Nawasak na tulay hiling imbestigahan

-

ORIENTAL MINDORO, Philippines  — Pa­iimbestigahan ng mga residente ng Calapan City ang pagkawasak ng Abaton Bridge bago pa man matapos ang proyekto sa Mindoro Oriental.

Nanawagan kay Pangu­long Benigno “Noynoy” Aqui­no III ang grupong Maka­bayang-Tagalog (MAKATA) upang ipasuri ang pagka­kagawa ng tulay at papana­gutin ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na mapatutu­nayang responsable sa ma­bilis na pagkasira ng tulay.

Ang Abaton Bridge ay nasa ilalim ng pamamahala ng Special Bridges Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa grupong MA­KATA, sinimulang gawin ang Abaton Bridge noong 2004 ng Special Bridges Office PMO-DPWH na pinamunuan ni Director Ramon Cacatian at dapat sa loob lamang ng 2-taon ay mapakinabangan na ito subalit hindi ito natapos dahil lumubog ito sa Calapan River.

Ang Abaton Bridge ay isa umanong multi-million na utang mula sa Austrian assisted-Wagner Bros modular steel truss project na naisa­katuparan sa pamamagitan ng special bridges office bilang PMO at supervising office and proponent kabilang na ang desenyo ng tulay.

Sa nakuhang datus mula sa iba pang rehiyon, may 10 iba pang proyektong tulay na may magkakahalintulad na problema na dapat ay bigyan-pansin ng administrasyong Aquino.

Kasabay nito, nana­wa­gan din ang grupo kay Pa­ngulong Aquino na isailalim sa lifestyle check ang ilang tauhan at opisyal ng DPWH dahil sa ulat na ilan sa mga ito ay nagma­may-ari ng ma­gagarang bahay at sasakyan bukod pa sa madalas na bumibiyahe sa labas ng bansa.

ABATON BRIDGE

ANG ABATON BRIDGE

AQUINO

CALAPAN CITY

CALAPAN RIVER

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DIRECTOR RAMON CACATIAN

MINDORO ORIENTAL

SHY

SPECIAL BRIDGES OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with