Truck vs PUJ: 4 dedo, 8 kritikal

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Apat-katao ka­bi­lang ang tatlong babae ang kumpirmadong nasawi samantalang walong iba pa ang sugatan makaraang mag­salpukan ang cargo truck at pampasaherong jeepney sa highway ng Calauan, Laguna, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Labador, La­guna police director ang mga namatay na sina Mar­jorie De Rosas, Krizell Arjona, Concepcion Daizon at ang jeepney driver na si Rogelio Butayan na pa­wang nakatira sa Laguna.

Malubha namang nasu­gatan sina Jeanette Aqui­no, Eduardo Escario, Arceli Leonardo, Jingle Galang, Albert Darang, Julian Alon, Lexi Bintagao, at si Aira Teoxon, na naisugod sa Laguna Provincial Hospital at Los Baños Hospital.

Ayon sa police report, binabagtas ng Isuzu Forward truck (RFD-675) ni Do­nato Retrato ang ka­habaan ng highway sa Purok 1, Barangay Bang­yas nang mag-overtake ito at sumalpok sa kasa­lubong na pampasa­he­rong jeep­ney (DXD-926) ni Butayan bandang alas-8:36 ng gabi.

Bagamat sugatan din, sumuko naman ang driver na si Retrato sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Calauan para harapin ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to properties.

Show comments