^

Probinsiya

5 pekeng ahente ng BI tiklo

- Ni Boy Cruz -

ANGAT, Bulacan, Philippines – Limang kalalakihan na nagpapang­gap na mga ahente ng Bureau of Immigration and Deportation na pina­niniwalaang mga kasapi ng isang sindikato na nam­bibiktima ng mga negosyanteng banyaga ang naaresto ng pulisya sa entrapment operation sa Brgy. San Roque sa ba­­yang ito kahapon. Sa ulat na nakarating kay Provincial Di­rector Sr. Supt. Fernando Villanueva, nakapiit na ang mga suspek na sina Vincent Granada, Edgar Allan Grande, Ro­bert Romuar, Salvador at kapatid nitong si Manuel Mauyao; pawang sinampahan ng kasong kriminal. Ang mga suspek ay inaresto matapos ireklamo ng negosyanteng si Alvin Chua, residente sa lugar na nangingikil dito ng P100,000.00. Ang mga suspek ay nagpakita pa umano ng pekeng ID ng BI na agad nadakma sa entrapment operation dakong ala-1 ng hapon. Narekober sa mga suspek ang P3,500 marked money, mga pekeng Immigration Sheet, mga iba’t ibang I.D. ng mga dayuhang ne­gosyante kabilang ang mga bum­bay at intsik, Mitsubishi Adventure ( PLI-858 ), atbp.

vuukle comment

ALVIN CHUA

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

EDGAR ALLAN GRANDE

FERNANDO VILLANUEVA

IMMIGRATION SHEET

MANUEL MAUYAO

MITSUBISHI ADVENTURE

PROVINCIAL DI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with