^

Probinsiya

Japayuki nasagip sa kidnapper, 4 arestado

- Ni Boy Cruz -

PULILAN, Bulacan, Philippines – Nailigtas ng mga awtoridad ang isang Japayuki na may asawang mayamang Ha­po­nes kasunod ng pagka­kaaresto sa apat na kidnapper sa operasyon sa Brgy. Sto. Cristo sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Provincial Director P/SSupt. Fernando Villanueva ang nasagip na ginang na si Susana Ishi­hara, 41, may-asawa, tu­bong Cebu City at resi­dente ng Kashihawara, Hotaka, Japan. Arestado naman ang mga suspek na sina Evan­geline Nishizawa 43, da­laga, tubong Valenzuela City, residente ng Kashiwa­hara Hotaka, Japan at ma­talik na kaibigan ng bik­tima, mga kasabwat nitong sina Jo­nathan Mateo 41, Ronald Fino, 37, may-asa­wa, ka­pwa mga resi­dente ng Brgy. Sta. Rita, sa ba­yan ng Guiguinto at Perseus Cruz, 29, ng Brgy. Pal­­tao sa bayan ng Pulilan.

Bandang alas-10:00 ng gabi ng makatanggap ng re­port ang pulisya hing­gil sa pagdukot sa nasabing Japayuki.

Ayon sa report, lulan ang biktima ng isang Hon­da Civic ( UMW-570 ) ga­ling ng Manila at pag­sapit sa isang lugar sa Brgy. Sto. Cristo ay dinukot ng mga armadong sus­pek. Ang in­sidente ay ini­report nina Mateo sa mga aw­toridad pero sa imbes­tigasyon ay lumitaw na kasabwat ang mga ito sa kidnapping at si Nishizawa ang utak.

Sa isinagawang rescue operation ay natagpuan sa bahay ni Perseus Cruz sa Brgy. Paltao si Susana na nakatali ang mga ka­may, may packaging tape ang bunga­nga ha­bang nasa kabi­lang silid naman ang mas­termind na kaibi­gan nitong isa ring Japayuki.

Narekober sa lugar ang isang replica ng cal. 9MM pistol, Php 50,000 piso, mga kagamitan ni Susana at isang ransom letter na humihingi ng P1.2M sa asa­wang Hapones ng bik­tima kapalit ng kalayaan nito.

BRGY

CEBU CITY

CRISTO

FERNANDO VILLANUEVA

HOTAKA

JAPAYUKI

MATEO

NISHIZAWA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with