P-Noy wala pang napipili na SBMA chief

SUBIC FREEPORT, Philippines  — Iginiit kahapon ni Pangu­long Be­nigno Aquino III na wala pa siyang napipisil na papalit bilang chairman ng Subic Bay Metrpolitan Authority (SBMA).

Sinabi ni Pangulong Aquino sa isang ambush interview dito, pinag-aara­lan pa ng selection committee niya ang mau­upo sa may 4,000 hang­gang 5,000 na vacant positions sa GOCC, GFI’s ka­bilang ang SBMA. Sa­mantala, sinabi ni P-Noy na may napili na siyang ma­giging chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) subalit ayaw muna niyang bang­gitin ang pangalan nito habang hindi pa nanu­numpa.

Aniya, ayaw niyang ma­usog kaya nais niyang manumpa muna ang na­ pili niyang MMDA chairman bago niya ito iha­ yag.

Show comments