Holdaper patay, pulis sugatan sa shootout

Batangas , Philippines  — Patay ang isang hinihinalang holdaper samantalang su­gatan naman ang isang pulis matapos maganap ang isang shoot-out dito sa Lipa City kamakalawa ng ha­pon.

Kinilala ni Superintendent George Dadulo, hepe ng Lipa City PNP, ang su­gatang pulis na si SPO1 Rodel Calingasan matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang hita na kasalukuyang ginagamot sa N.L Villa Hospital.

Hindi pa nakikilala ang napatay na holdaper sa­mantalang nakatakas na­man ang dalawa pa sakay ng isang motorsiklo.

Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon ng mag-withdraw sa isang banko ang negosyanteng si Sonia Zara, kasama ang asawang si Ruel at mga kaibigan at lulan ng isang isuzu Spor­tivo nang masundan ng mga suspek at harangin sila sa may Katigbak St., Ba­rangay Ma­taas na Lupa at sapi­litang kinuha ang mga pera at ari-arian ng mga biktima ha­bang naka­tutok ang baril sa mga ito.

Mabilis namang naka­pagsumbong ang mga bik­tima sa mga otoridad hang­gang sa masukol ang mga suspek sa may M.K Lina St. Barangay 1 at mag­ka­palitan ng putok na iki­namatay ng isa sa mga hol­daper at ikinasugat naman ng pulis.

Patuloy pa rin ang isi­na­sagawang follow-up operation ng mga otoridad para tugisin pa ang da­lawang holdaper na na­katakas.

Show comments