Pari naisahan ng sekretaryo: Koleksyon ng Simbahan itinakbo

CAMARINES NORTE , Philippines  — Galit na nagpaabot ng sumbong kamakalawa ng hapon sa pulisya ang isang pari na naloko ng kanyang sek­retaryo matapos itakbo nito ang koleksyon para sa kapistahan ng parokya sa Barangay Sabanang, Vin­zons ng lalawigang ito.

Sa sumbong ni Fr. Nor­berto Ochoa, 49, kura pa­roko ng St. Paul Parish, ang suspek na si Eric Al­madrones na sekretaryo ng kura paroko.

Ayon sa salaysay ng pari, inutusan niya si Eric na kolektahin ang su­portang pinansyal para sa kapistahan ng St. Paul sa araw na ito (Sabado). Na­ngupahan ito sa Moreno St., Daet upang asikasuhin ang koleksyon.

Pero lumalabas sa mga nakuhang impormasyon ng Pari, binago ng suspek ang petsa ng kapistahan na batay sa nakuhang resibo at ginawang July 10 sa halip na July 17.

Napag-alaman na ito ang pangalawang beses na ginagawa ni Alma­dro­nes subalit pinatawad ni Fr. Ochoa sa pag-aakalang mag­babago na ito.

Malaki ang posibilidad na malaking pera ang ti­nangay ng kanyang sek­retaryo na kasalukuyang tugis ngayon ng mga aw­toridad.

Show comments