Pari naisahan ng sekretaryo: Koleksyon ng Simbahan itinakbo
CAMARINES NORTE , Philippines — Galit na nagpaabot ng sumbong kamakalawa ng hapon sa pulisya ang isang pari na naloko ng kanyang sekretaryo matapos itakbo nito ang koleksyon para sa kapistahan ng parokya sa Barangay Sabanang, Vinzons ng lalawigang ito.
Sa sumbong ni Fr. Norberto Ochoa, 49, kura paroko ng St. Paul Parish, ang suspek na si Eric Almadrones na sekretaryo ng kura paroko.
Ayon sa salaysay ng pari, inutusan niya si Eric na kolektahin ang suportang pinansyal para sa kapistahan ng St. Paul sa araw na ito (Sabado). Nangupahan ito sa Moreno St., Daet upang asikasuhin ang koleksyon.
Pero lumalabas sa mga nakuhang impormasyon ng Pari, binago ng suspek ang petsa ng kapistahan na batay sa nakuhang resibo at ginawang July 10 sa halip na July 17.
Napag-alaman na ito ang pangalawang beses na ginagawa ni Almadrones subalit pinatawad ni Fr. Ochoa sa pag-aakalang magbabago na ito.
Malaki ang posibilidad na malaking pera ang tinangay ng kanyang sekretaryo na kasalukuyang tugis ngayon ng mga awtoridad.
- Latest
- Trending