600 minahan sinuspinde ni Gov. Ebdane

ZAMBALES, Philippines – Ipinag-utos ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. ang suspension sa lahat ng mining and quarrying ope­rations habang nirerebisa ang mga permit at compliance ng mga operator sa mga itinakdang environmental protection.

Ang naturang kautusan ay ipinalabas ng gober­nador kung saan nag-inspeksyon din ito sa mga mining at quarry sites sa Zambales noong nakalipas na Linggo.

Nakasaad sa executive order na hindi nasusunod ang mga probisyon at nala­labag ang nakasaad sa mga naunang mining permit at wala rin konsideras­yon sa environmental protection ang ilang nabigyan ng permiso.

Ibinase ang kautusan sa itinatadhana ng 2007 provincial ordinance na nagta­takda sa kapangyari­han ng gobernador na mag­ patigil, magkansela at mag-revoke ng mga mining and quarry permit kung kinakailangan.

Umaabot sa 600 small-scale mining operations sa Zambales, kung saan libu-libong manggagawa ang nakikinabang subalit ma­rami ring nagrereklamo sa iresponsableng pagmi­mina.

Ayon kay Ebdane, ka­bi­lang sa pinsalang dulot ng iresponsableng pagmi­mina ay ang soil erosion, watershed destruction at mga pagbaha.

Show comments