^

Probinsiya

Retiradong guro kinatay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang reti­radong guro matapos itong pagtatagain ay itinapon pa ang bangkay sa malalim na balon sa bayan ng Murcia, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Narekober ang bangkay ni Ana Muzones, 73, sa may 60 talampakang lalim na balon sa Brgy. Blu­men­tritt sa bayan ng Murcia.

Kasabay nito, ayon kay P/Senior Inspector Nor­berto Barniso, hepe ng Mur­cia PNP, sa loob la­mang ng 24-oras ay nare­solba ang krimen matapos masakote ang dalawang suspek sina Carla Talesio, 18 at ang menor-de-edad nitong pinsan na 17-anyos.

Si Carla ay naaresto da­kong alas-9:30 ng umaga kahapon sa New Bacolod-Silay Airport habang bumi­bili ng ticket kung saan na­rekober ang P17,311, $ 86 at sari-saring alahas ng matanda na nagkakaha­laga ng P23,000.

Ikinanta naman ng sus­pek na kasabwat niya sa kri­ men ang pinsang lalaki na kaagad namang na­sakote.

Pagnanakaw ang mo­tibo ng krimen base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na huling nama­taan ang dalawa sa ba­ku­ran ng matanda ilang oras bago madiskubre ang krimen.

Nabatid na noong uma­ga ng Miyerkules ay hina­hanap ang matandang Muzones ng kanyang mga kaanak nang mapansin na bukas ang bahay nito at niransak ang kanyang mga kagamitan.

Bandang alas- 6 naman ng gabi nang lumutang ang bangkay ng biktima sa balon sa loob ng bakuran nito sa Hacienda Valing sa nabanggit na barangay.

Tadtad ng malalalim na sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang katawan ng biktima na in­dikasyon na nanlaban ang matanda sa mga suspek.

ANA MUZONES

BANDANG

CARLA TALESIO

HACIENDA VALING

MURCIA

NEGROS OCCIDENTAL

NEW BACOLOD-SILAY AIRPORT

SENIOR INSPECTOR NOR

SHY

SI CARLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with