4,000 iligal na kahoy nasabat

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Umaabot sa 4,000 board feet na iligal na kahoy ang nasabat ng mga tauhan ng Department of Environment Natural Resources noong Linggo sa Cagayan, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay Fo­rester Felix Taguba, provincial environment and natural resources officer, nasabat ang kontrabando sa inilatag na mga checkpoint sa Tuguegarao City, Santa Praxedes at Peña­blanca sa Cagayan. Kasabay ng pagkakumpiska sa mga iligal na kahoy ay kinasuhan naman ang naarestong mga suspek na sina Ernesto Sibbaluca at Renato Valencia. Ma­liban sa mga operatiba ng DENR ay patuloy ang kam­panya ng mga pulis, militar at mga volunteer upang tuldukan ang operasyon ng mga illegal logger.

Show comments