60 bahay sinunog ng MILF

MANILA, Philippines - Aabot sa 60 kabaha­ yan ang iniulat na sinunog ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front rouge elements sa ba­ yan ng Sultan sa Ba­rongis, Maguindanao ka­ma­kalawa.

Sa ulat ng Army’s 6th Infantry Division, sinabi ni Army spokesman Major Ronald Jess Alcudia, su­malakay ang MILF rogue elements sa Crossing Badal, Barangay Barurao, sa bayan ng Sultan sa Barongis.

Napag-alamang hinaras ang pamilya at mga ka­mag-anak ni dating Sultan sa Barongis Vice Mayor Datu Sukarno Badal na sinasabing hindi naka­ palag sa mga tauhan ni Ku­mander Pelmen Maestro ng 105th Bangsa Islamic Armed Forces

Matapos magsilabas sa kanilang tahanan at mag­tak­buhan sa matinding sin­dak ay sinunog naman ng mga rebelde ang may 60 ka­bahayan.

Dakong alas-5 na ng umaga kinabukasan nang magsilisan ang grupo ni Maesto kung saan patuloy naman tinutugis ng militar.

Show comments