Army Sergeant dedo sa ambus

MANILA, Philippines - Isa na namang Army Sergeant ang kumpirmadong napatay makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Sitio Tuy-an, Barangay Caridad sa Bayugan City, Leyte kama­kalawa. Kinilala ang napaslang na si Staff Sgt. Virgilio Ramal, 46, ng Alpha Company ng 19th Infantry Battalion ng Phil. Army. Lulan ng motorsiklo ang biktimang patungo sana sa sabungan nang harangin at pagba­barilin ng mga rebelde. Joy Cantos with trainees Rafael Zapanta/ Mary Ann Chua

Show comments