Police outpost binomba

MANILA, Philippines - Nakatutulig na pagsabog ang umalingawngaw sa harapan ng police outpost kung saan isang 7-anyos na batang lalaki ang namatay habang limang iba pa ang nasugatan sa bayan ng Datu Piang, Maguin­danao, kamakalawa ng gabi. Napuruhan ng shrapnel sa pagsabog ng improvised explosive device si Moktar Masdal habang naisugod naman sa Shariff Aguak Provincial Hospital ang mga sugatan kabilang na si Nasser Kimpao. Sa imbestigasyon ng pulisya, inilagay ang bomba sa bag saka iniwan ng dalawang ’di-pa kilalang lalaki sa harapan ng police outpost sa Barangay Poblacion. Joy Cantos with trainees Mary Ann Chua/Mary Joy Mondero

Show comments