18 pulis sugatan sa kidlat

MANILA, Philippines - Labingwalong pulis ang nalapnos ang buong ka­tawan makaraang tamaan ng kidlat habang suma­sailalim sa pagsasanay sa Sitio Camansili, Brgy. Lamacan, sa bayan ng Sibonga, Cebu kahapon ng tanghali. Sa panayam, sinabi ni P/Chief Supt. Lani-o Nerez, sa 18 biktimang isinugod sa South General Hospital sa Naga City, Cebu ay apat hanggang walo ang nasentruhan ng kidlat. Sinabi ng opisyal na ang mga biktima ay mga miyembro ng Regional Safety Mobile Battalion (RSMB) 7 na sumasailalim sa pagsa­sanay bilang elite forces ng PRO 7. Nabatid na katatapos lamang na mananghalian at naglalakad ng kumidlat matapos na umambon. Joy Cantos with trainees Rafael Zapanta /Mary Joy Mondero

Show comments