2 ginilitan ng akyat-bahay

BATAAN, Philippines — Napaaga ang sa­lubong ni kamatayan sa isang hayskul student at kasambahay nito makaraang gilitan at pagnakawan ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa Barangay Maria Fe sa bayan ng Orani, Bataan ka­makalawa ng umaga. Kinilala ang mga napaslang na sina Cyril Jasper de Taban, 13, 2nd year high school sa Queen Mary High School at Eien Be­quin, 23, kasambahay ng pa­milya Taban. Sa ulat na na­ka­­ra­ting kay P/Senior Supt. Ar­nold Gunnacao, dakong alas-9 ng umaga nang ma­tag­puan ang bangkay ni Cyril sa loob ng tahanan habang ang katawan ni Bequin ay nasa likuran ng bahay.

Ayon kay PO2 Francis Francisco, na­wawala ang laptop at digital camera ni Cyril kung saan iniwan ang cell phone nito. Si Cyril ay naging assistant sacristan ni Father Joshue Erana ng Nuestra Señora Catholic Church mula Grade1 hang­gang Grade 6 sa Holy Rosary Parochia School.

Show comments