MANILA, Philippines - Napatay ang isang alagad ng batas habang dalawang iba pa ang nasugatan sa naganap na pananambang ng mga armadong lalaki sa kahabaan ng Rizal Street, Zone 7, sa bayan ng Bangued, Abra, kamakalawa. Idineklarang patay sa Abra Provincial Hospital si PO2 Marvi Trinidad, 34, ng Tineg Municipal Police Station ng Abra Provincial Police Office matapos tamaan ng bala sa dibdib at kaliwang hita.
Patuloy namang ginagamot ang mga sibilyang sina Benedicto Balmaceda at Jervin Bringas. Lumilitaw na lulan ng traysikel ang biktimang pauwi nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen. (with trainee Rafael Zapanta)