P50-milyong 'damo' sinunog

MANILA, Philippines - Umaabot sa P50 milyong ha­laga ng marijuana ang si­nunog matapos ang operas­yon sa bulubunduking baha­gi ng Barangay Caoayan, sa bayan ng Sugpon, Ilocos Sur kamakalawa. Bandang alas-11:30 ng tanghali nang sala­kayin ng pinagsanib na tau­han ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency ang ma­lawak na taniman ng marijua­na sa Sitio Nagawa.

Aabot sa 250,000 puno ng marijuana ang winasak ng mga operatiba habang nasa 20,000 ang mga binhi at ma­liban pa sa bultu-bul­tong mga bagong sibol. Si­nu­nog mis­mo ng mga opera­tiba ang nasam­sam na marijuana habang ang iba na­man ay dinala sa himpilan ng Ilocos Sur Provincial Police Office para gami­ting ebi­d­en­sya sa korte. (with trainees Rafael Z­a­panta/ Mary Joy Mondero)

Show comments