BATAAN, Philippines — Napaslang ang isang barangay chairman ng motorcycle-riding gunmen sa panibagong karahasang naganap sa bahagi ng Barangay Tagumpay sa bayan ng Samal, Bataan kamakalawa ng gabi.
Dalawang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Chairman Arnold Pantig, 41, ng Barangay Tagumpay Orani, Bataan. Samantala, tinamaan ng ligaw na bala si Vivian Sarmiento, 28, ng Barangay Mabatang, Abucay.
Base sa police report, nakikipag-usap ang biktima sa sabungan nang lapitan at ratratin. Sinisilip ng pulisya ang anggulong love triangle at ang sinasabing pagkakasangkot ng biktima sa operasyon ng hijacking at sugalan.