Hapones arestado sa pangangalunya

BULACAN, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng isang Hapones makaraang arestuhin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection-Bulacan sa ka­song pangangalunya na isinampa ng kanyang misis sa bayan ng Balagtas, Bulacan.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Wilhar­mina Melanio-Arcega ng Ba­lagtas Municipal Trial Court, Bulacan, nadakma si Kunihiro Iwata, 49, tubong Fukouka, Japan, ng Sebas­tian Street, Barangay San Juan, Ba­lag­tas, Bulacan. Lumilitaw na sina Siony Iwata at Kunihiro ay ikinasal ni ex-Mayor Rey­naldo Cas­tro noong Enero 14,2005 kung saan ay muli itong bu­malik sa Japan.

Sa sinumpaang salaysay ni Siony, bumalik ang kan­yang mister noong Marso 2, 2005 subalit hindi na ito nagpakita at sa halip ay na­kisama bilang mag-asawa sa kanyang pin­sang si Jen­nelyn Camacho.

Sa follow-up operation ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Julius Caesar Mana natunton ang pinagkukutaan ng sus­pek.

Hindi na nakapalag ang suspek matapos maaresto nina P/Chief Insp. Richard Caballero at P/Senior Insp. Melchor Piso ng La Union CIDG sa bahagi ng Baran­gay Samara, sa bayan ng Aringay, La Union.

Show comments