^

Probinsiya

Killer ng ex-brodkaster nadakma

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isa sa apat na pa­ngunahing suspek sa pag­patay sa dating brodkaster sa Kalinga noong Sabado (Hulyo 3), ayon sa ulat kahapon.

Sumailalim na sa tactical interrogation si Edwin Guiawal na itinuturong pumatay kay Jose Daguio, 75, reporter/commentator ng Radyo Natin at residente ng Barangay Tu­ba sa bayan ng Tabuk, Ka­linga. Ayon kay P/Senior Supt. Agrimero Cruz, bukod kay Guiawal itinuro rin ng ibang testigo ang mga suspek na sina Edmund Bilog, Lando Bilog, at Daldin Guiawal na ngayon ay tugis ng pulisya.

Ayon kay Cruz, pinatay si Daguio dahil sa mga naisi­walat nito laban sa grupo ni Guiawal na sangkot sa cattle rustling at pagnanakaw.

Bago ang pagpatay kay Daguio, ang Guiawal brothers ay may standing warrants of arrest sa kasong double murder kung saan itinuturing ang nasabing grupo bilang professional killers.

Si Daguio na nagretiro noong 1986 ay ika-140 na sa talaan ng mama­mahayag na napatay simula ng ibalik ang press freedom noong 1986.

AGRIMERO CRUZ

AYON

BARANGAY TU

DAGUIO

DALDIN GUIAWAL

EDMUND BILOG

EDWIN GUIAWAL

GUIAWAL

JOSE DAGUIO

LANDO BILOG

RADYO NATIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with