CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines — Dead-on-the- spot ang isang guro makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong salarin sa hangganan ng Brgy. Bayombong at Biyong Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay kinilalang si Edgar Fernandez, nasa hustong gulang, may asawa, guro sa Puro Elementary School at residente ng naturang bayan. Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas 6:10 ng gabi habang papauwi na ang biktima sa kanilang tahanan lulan ng motorsiklo ng pagbabarilin ng suspek na armado ng cal. 45 pistol. Nang masigurong patay na ang target ay mabilis na tumakas ang suspek na sinamantala ang kadiliman ng gabi. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng insidente.