Lider magsasaka nilikida

LAUR, Nueva Ecij , Philippines  — Napatay ang isang lider magsasaka habang sugatan naman ang binatang apo nito makaraang pagbabarilin ng nag-iisang armadong sa­larin na puwersahang pu­masok sa tahanan nito sa Brgy. San Isidro ng bayang ito noong Biyernes.

Idineklarang dead-on- arrival sa Bongabon District Hos­pital ang biktimang si Pascual Guevarra, 78-an­yos, isa sa mga opisyal ng Agrarian Reform Beneficiaries Association (ARBA) at Alyansa ng mga Magsa­sa­kang Nagkakaisa (ALMANA) sa kanilang lugar.

Patuloy namang nilala­patan ng lunas sa Dr. Pau­lino Garcia Memorial Hospital sa Cabanatuan City ang sugatan nitong apo na si Ron­nel Viloria, 18-anyos.

Dakong alas-4 ng hapon habang abalang naglilinis ng kanilang tahanan ang mag­lolo nang biglang sumulpt ang gunman at walang sabi-sabing pagbabarilin ang matanda.

Ang gunman umano ay may suot na kulay itim na bull cap, nakakulay asul na t-shirt, nakasuot ng sandals at nakamaong na pantalon, may taas na 5’5” at medyo may kaputian.

Tinangka naman ng bi­nata na saklolohan ang kani­yang lolo kaya nasugatan ito sa insidente habang mabilis na tumakas ang salarin. Ina­alam pa ng mga awto­ridad ang motibo ng krimen.

Show comments