7 sundalo patay sa ambush

MANILA, Philippines - Patay ang pitong sun­dalo makaraang tamba­ngan ng mga armadong mi­yembro ng mga rebel­deng New People’s Army (NPA) sa Sitio Chawer, Brgy. Samoki, Bontoc, Mountain Province nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga nasa­wing sundalo na sina 1st Lt. Lito Punio, Cpl. Cornelio Bal­mes, Pfc. Camilo Topi­nio, Pfc. Windel Gazzin­gan, Staff Sgt. Melchor Cas­tro, Staff Sgt. Anthony Banu­gan at Pfc. James Tio-an. Ang bangkay ng mga ito ay pawang nare­kober na sa encounter site.

Sa report na tinanggap kahapon ni AFP-Northern Luzon Command Chief Major Gen. Gaudencio Pa­ngilinan, bandang alas-11:50 ng umaga nang ma­ganap ang pana­nam­bang sa nasabing lugar.

Kasalukuyang buma­bagtas ang military vehicle ng 52nd Divison Reconna­issance Company ng Ar­my’s 501st Infantry Brigade (IB) sa nasabing lu­gar nang tambangan ng mga ar­madong rebelde na nakaposisyon sa tabi ng highway.

Sa kabila ng higit na nakararami ang bilang ng mga kalaban ay lumaban hanggang sa mamatay ang mga kawal ng pama­halaan na galing sa Brgy. Tagubin kaugnay ng isasa­gawang pagbibigay se­guridad pa­ra sa gaga­na­ping medical mission sa Sa­­ba­do sa Brgy. Pobla­cion sa bayan ng Bontoc.

Nagawang matangay ng mga rebelde ang anim na baril ng mga sundalo ka­ bi­lang ang apat na M16 rifle na may M203 grenade launcher, isang M14 rifle, isang pares ng combat, isang radio Harris at mga magazine ng na­turang mga armas.

Naglunsad na ang tro­pang gobyerno ng pagtugis laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa pananambang. (with Trainees Rafael Zapanta/ Mary Joy Mondero )

Show comments