Barangay councilor itinumba

BATANGAS, Philippines — Napaslang ang isang 33-anyos na ba­ran­gay councilor matapos ratratin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa bayan ng Balayan, Batangas kamakalawa ng hapon. Ki­nilala ni P/Senior Supt. Alberto Supapo, Ba­tangas police di­rec­tor ang napatay na si Victor Noche ng Brgy. Duhatan, Ba­layan, Batangas. Nabatid na papauwi na si Noche, ka­sa­ma ang kanyang mag-ina lulan ng motorsiklo nang harangin at pagbabarilin sa kahabaan ng highway ng Barangay Du­hatan. Nagtamo naman ng sugat sa daliri ang misis ni Noche na si Francisca habang nakaligtas naman ang kanilang anak. Naisugod naman si Noche sa Madonna General Hospital pero namatay din habang ginagamot.

Show comments