Kalaboso sa panunuhol

BAGUIO CITY, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 32-anyos na babae matapos arestuhin dahil sa panunuhol sa isang opisyal ng Phil Drug Enforcement Agency para ma­palaya ang kanyang kamag-anak na nadakip sa drug bust operation. Ayon kay Emily Fama, regional PDEA spokesperson, sinuhulan ni Zenaida Mangandere Bangcola, alyas Senai ang isang PDEA officer ng P20,000 para palayain ang utol ng kanyang mister na si Acsari Ampuan. Si Ampuan ay na­kumpiskahan ng 4-plastic sachets ng shabu sa buy-bust operation noong Hulyo 1 sa isang mall sa Magsaysay Avenue, Baguio City. Nairita ang PDEA officer sa inasal ni Bangcola kaya ipinaaresto nito ang suspek matapos maberipika ang nilalaman ng envelop na sinasabing inilagay sa mesa ng PDEA officer.

Show comments