Konsehal pinabulagta

CAVITE , Philippines  — Pinagbabaril at napatay ang isang 46-anyos na konsehal ng barangay habang sugatan naman ang isa pang barangay kagawad sa naganap na pamamaril kahapon ng umaga sa Barangay San Lorenzo Ruiz 1, Dasmariñas City, Cavite.

Nasapol sa ulo si Renato Silva habang sugatan naman si Alita Candelario, 59.

Ayon sa ulat, naglalakad si Silva kasama ang ilang opisyal ng ba­ran­gay kabilang na si Candelario nang lapitan at pag­babarilin ng ‘di-pa kilalang lalaki. Sinasabing away-barangay ang isa sa motibo ng pamamaril.

Show comments