^

Probinsiya

Militante, 1 pa itinumba

- Joy Cantos, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Buena-mano sa Aqui­no administration ang na­ganap na pananambang laban sa provincial coordinator ng Bagong Alyan­sang Makabayan, at bodyguard ni Rizal Governor Jun Ynares III na kapwa na­patay kahapon ng uma­ga sa magkahi­wa­lay na lugar sa Kalibo, Ak­lan at Antipolo City, Rizal.

Ideneklarang patay sa Dr. Rafael Tumbukon Me­mo­rial Hospital matapos mapuruhan sa ulo at leeg si Councilor Fernando Bal­domero ng bayan ng Lezo, Aklan.

Si Baldomero ay ku­man­­didato noong May 10 elections at nanalong kon­sehal sa nabanggit na bayan.

Sa phone interview, si­nabi ni P/Senior Supt. Epi­fanio Bragais, naganap ang pamamaslang sa bi­sini­dad ng Barangay Es­tancia sa bayan ng Kalibo ban­dang alas-6:30 ng umaga.

Naghahanda si Baldo­mero upang ihatid ang mga anak sa paaralan nang pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins. Ayon sa hepe ang pulisya sa Kalibo na si P/Chief Insp. Alden Lagradante, si Bal­domero ay dating re­beldeng New People’s Army, na naaresto noong 1993.

Kasunod nito, napas­lang naman ang security aide ni Rizal Governor Ca­si­miro “Jun” Ynares III na si Johnny Saut, 28, maka­raang tambangan ng ‘di-pa kilalang lalaki sa Sitio Boso-Boso sa Barangay San Jose.

Nadamay sa pamamaril ang mga sibilyang sina De Cahilig at Jomar Garcia, 5, kapwa tinamaan ng ligaw na bala.

Si Suat na residente ng Vista Grande Subd sa Ba­rangay Sta. Cruz ay lulan ng motorsiklo nang ha­rangin at ratratin

Sa inisyal na imbes­tigasyon, lumilitaw na aga­wan sa lupa sa Sitio Boso-Boso ang isa sa motibo ng krimen.Dagdag ulat ni Ronilo Ladrido Pamonag (With trainee Rafael Za­panta at Mary Joy Mon­dero)

vuukle comment

ALDEN LAGRADANTE

ANTIPOLO CITY

BAGONG ALYAN

BARANGAY ES

BARANGAY SAN JOSE

CHIEF INSP

COUNCILOR FERNANDO BAL

KALIBO

SHY

SITIO BOSO-BOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with