Mag-asawa kinatay
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-asawa matapos mapagtripang pagtatagain ng kanilang kapitbahay na sinasabing adik sa bawal na droga kamakalawa ng gabi sa Barangay Catagbacan sa bayan ng San Andres, Catanduanes.
Ginagamot sa Eastern Bicol Medical Center sina Ronnie Nasareno, 33; at Diana Nasareno, 24, habang nakakulong naman ang suspek na magsasaka na si Mario Marino, 45.
Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na magkasamang nanonood ng telebisyon ang mag-asawa sa loob ng kanilang tahanan nang pasukin at pagtatagain ng suspek.
Nakahingi ng tulong sa ilang opisyal ng barangay ang ilang kapitbahay kung saan inabutan ang suspek na hawak pa nito ang matalim na itak na ginamit sa pananaga.
- Latest
- Trending