Bus vs trike: 3 katao dedo

BATAAN, Philippines — Tatlo-katao ang iniulat na namatay kabi­lang ang mag-asawa at 17-anyos na babaeng buntis ha­bang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan matapos mabundol ng pampasaherong aircon bus ang traysikel sa kahabaan ng Roman Superhighway sa Sitio Peas, Ba­rangay Duale sa bayan ng Limay, Bataan kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot si Michell Castellar habang idine­klarang patay sa Bataan General Hospital ang asawa nitong si Leopoldo Tagasa y Francisco, 24, tricycle driver; Racquel Ararao, 17; at dinadala nitong dalawang buwang ipinagbubuntis. Samantala, kritikal naman sina Angelina Javier, Joseph Castier at isang alyas Grace.

Sa police report, nahagip ng Bataan Transit Bus (CXS 680) ni Daniel Marcelo ng Barangay Balon, Anito, Mariveles ang traysikel (BP 1455) ni Tagasa.

Show comments