^

Probinsiya

Provincial warden sisibakin dahil sa droga

- Nila Dino Balabo at Boy Cruz -

BULACAN , Philippines  — Tiniyak ni Bulacan Governor Wil­helmino Alvarado na sisi­bakin niya ang warden ng provincial jail matapos ma­diskubre ang bentahan ng bawal na droga sa nabang­git na piitan sa hin­di maipa­liwanag na da­hilan.

Sinabi ng gobernador na hindi na niya kailangan ng rekomendasyon para si­bakin sa puwesto si Adelio Asuncion dahil nasa ilalim ng tanggapan ng gober­na­dor ang provincial jail warden.

Nag-ugat ang insidente matapos madiskubre sa loob ng provincial jail no­ong Biyernes na nagpapa­tuloy ang bentahan ng droga kung saan aabot sa 200 gramo ng shabu na nagka­ka­halaga ng P1.6 milyon ang nasamsam sa selda ni Cai Qun Zhen alyas James.

Si Zhen na nagmaman­tine ng shabu lab sa Mey­cauayan City ay naaresto

Bukod pa sa bawal na droga ay nakumpiska rin ang halagang P240,000 kay Delfin De Guzman na sinasabing lider ng NPA rebs na naaresto noong 2009 sa Bulacan.

Pinaniniwalaan ng pu­lisya na nagmula sa kolek­s­yon ng revolutionary tax ng mga rebelde sa Bulacan ang nasabat na malaking halaga kay De Guzman.

Samantala, ang hala­gang P158,000 ay na­kum­piska naman sa selda ng iba pang bilanggo, ka­sama ang DVD player, mga pa­talim at cell phone.

Si Asuncion ay itinala­gang warden ng provincial jail noong 2005 matapos ang riot na ikinamatay ng isang preso kung saan ang mga bilanggo ay hina­yaang uminom ng alak.

ADELIO ASUNCION

ALVARADO

BULACAN

BULACAN GOVERNOR WIL

CAI QUN ZHEN

DE GUZMAN

DELFIN DE GUZMAN

SHY

SI ASUNCION

SI ZHEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->