Programa ng predecessor, itutuloy ko - Gov. Remulla

TRECE MARTIRES CITY, Philippines — Siniguro ni Cavite Gov. Juanito Victor “Jonvic” Remulla na itutuloy nito ang mga nasimulang pro­grama sa kanilang lala­wigan ni dating gobernador at ngayon ay Cavite 3rd Dist. Rep. Ayong Maliksi.

Ayon kay Gob. Remulla, nakahanda siyang ipag­patuloy ang mga progra­mang nasimulan ng dating gobernador at nangakong sa kanyang termino ay bibigyang prayoridad ang serbisyo-publiko sa mga Kabitenyo.

Sa kanyang maikling talumpati, sinabi ni Gob. Remulla na nakahanda ang kanyang adminis­trasyon na yakapin ang mga makabu­luhang pro­yektong inilunsad ng da­ting gobernador.

Mapagkumbabang si­nabi din niya na kung siya ay madadapa ay hihingi siya ng patnubay kay Ma­lik­si upang siya ay ma­kabangon.

“Inaasahan ko din po ang inyong tulong at su­porta upang mas maging madali para sa atin na magam­panan ang aking tungkulin bilang bagong gobernador ng lalawigan. Kailangan ko po ang in­yong suporta sa­pagkat kayo ang pangu­nahing rason kung bakit kami nagtatagumpay” wika pa ni Remulla.

Show comments