Most wanted sa Quezon arestado
LUCENA CITY, Philippines — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang itinuturing na numero 4 sa talaan ng mga Most Wanted Person sa lalawigan ng Quezon matapos na ito ay masakote sa kanyang pinagtataguan sa Diversion road, Barangay Domoit sa lungsod na ito, kamakalawa.
Kinilala ni Supt. Pascual Munoz, Jr. Ph.D, chief of police dito, ang nadakip na si Maxander “Imo” Evora, 22 binata at residente ng Calmat Homes Subdivision, Barangay Kanlurang Mayao. Si Evora ay may nakabinbing kaso ng pagpatay at matagal nang nagtatago sa batas.
Binanggit sa ulat na namataan ang suspek sa pinagatataguan nitong isang bahay sa Barangay Domoit at sa pamamagitan ng inisyung warrant of arrest laban dito ay nadakip ito at hindi na nakapalag nang palibutan ng mga awtoridad.
- Latest
- Trending