Computer shop nilooban

CAVITE, Philippines – Libu-libong halaga ng computer at ilang mamahaling amit ang iniulat na ninakaw makaraang looban ng mga armadong lalaki ang computer shop sa Barangay Ibayong Silangan sa bayan ng Naic, Cavite kamakalawa. Bandang alas-3:45 ng madaling-araw nang madiskubre ng manager na si Ralph Joseph Cipres, na nilooban ang kanilang Cipres E-net Shop. Ayon sa pulisya, kabilang sa mga tinangay ay ang 10 yunit ng CPU at isang flat screen monitor. Lumilitaw na may namataang pulang sasakyan na may lulang tatlong ‘di-pa kilalang lalaki ang pumarada sa harapan ng computer shop bago maganap ang nakawan.

Show comments