Psycho killer dedo sa pulis

LUCENA CITY, Philippines - Patay ang isang 35-anyos na lalaki na sina­sabing psycho killer matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City, Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Pascual Munoz, chief of police, ang napatay na si Rico Garcia ng Pleasantville Subdivision. Sugatan naman si SPO3 Reynaldo Belarmino matapos mabaril ni Garcia.

Ayon kay SPO3 Renato Pelobello, isisilbi sana ng grupo ni Belarmino ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Romeo Villanueva ng Lucena Regional Trial Court Branch 60 nang makipagbarilan ang suspek.

Si Garcia ay pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang kapatid at sa isang matanda sa Lucena Grand Central Terminal noong Mayo.

Show comments